MANILA, Philippines - Dead-on-arrival sa Manila Doctor’s Hospital dahil sa apat na tama ng bala ang isang 63-anyos na negosyante nang tambangan ng riding-in-tandem, habang naglalakad sa Malate, Maynila, kahapon ng hapon.
Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang kinilalang si Victor Mendoza, ng Taft Avenue, Malate, Maynila.
Pinaniniwalaang hired kilÂlers ang dalawang nakatakas na suspect na sakay ng isang motorsiklo.
Sa inisyal na ulat ni SPO2 Benito Cabatbat, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:15 ng hapon nitong Sabado nang maganap ang pamamaril sa Vasquez St., malapit sa panulukan ng Pedro Gil St., sakop ng Malate.
Bagamat nasaksihan ng ilang tao na may ginagawa sa tapat ng PLDT warehouse, wala naman ni isang nais magsalita.
Nabatid na katatapos lamang mananghalian ng biktima at ugali nito na maglakad-lakad muna nang biglang sumulpot ang “tandem†at salubungin siya ng mga putok.
Nang nakahandusay na sa kalye ang biktima ay bumaba sa motorsiklo ang gunman at muli pang pinaputukan ito upang tiyaking hindi na ito mabubuhay
Batay sa nakuhang impormasyon, kagagaling lang sa Hong Kong ng biktima at kamakalawa lamang dumating sa bansa.