MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang bisperas pa ng Pasko naganap ang kaÂru mal-dumal na pamamaslang sa isang 49-anyos na babae na natagpuan lamang kamaÂkalawa ng hapon nang magsimula nang mangamoy ang bangkay sa Tenement Building, Punta, Sta. Ana, Maynila.
Iniimbestigahan din kung pinagnakawan pa ang biktimang si Teresita Gonzalez, empleyada at residente ng Unit 250, Tenement Building, Punta, Sta. Ana, Maynila dahil itsurang ni-ransack ang loob ng bahay nito.
Nadatnan ng mga awtoridad na nakapulupot pa sa leeg nito ang nylon cord na ipiÂnansakal habang nakagapos ang mga kamay at paa.
Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:00 ng gabi nang humingi ng tulong si LuzviÂminda Vallenas, 47, ng Unit 569 ng nasabing gusali kay Brgy. Chairman Santiago Alva nang kutuban sa masansang na amoy na nagmumula sa kuwarto ng biktima.
Nagtataka umano si Vallenas, pinsan ng live-in partner ng biktima, na hindi lumalabas ng bahay at hindi nakikita ang biktima, gayung dapat ay pumapasok umano ito sa trabaho.
Pinuntahan umano ito ni Vallenas subalit hindi matiis ang amoy kaya humingi ng saklolo dahil sa duda na may masamang nangyari, lalo’t wala umano ang live-in partner nito na si Marcelino Paller, nagtungo sa Eastern Visayas.
Huling nakitang buhay ang biktima noong Disyembre 24, nang umuwi umano mula sa trabaho. Patuloy pang iimbesÂtigahan ang insidente.