^

Metro

Empleyada natagpuang patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang bisperas pa ng Pasko naganap ang ka­ru­ mal-dumal na pamamaslang sa isang 49-anyos na babae  na natagpuan lamang kama­kalawa ng hapon nang magsimula nang mangamoy ang bangkay sa Tenement Building, Punta, Sta. Ana, Maynila.

Iniimbestigahan din kung pinagnakawan pa ang biktimang si Teresita Gonzalez, empleyada at residente ng Unit 250, Tenement Building, Punta, Sta. Ana, Maynila dahil itsurang ni-ransack ang loob ng bahay nito.

Nadatnan ng mga awtoridad na nakapulupot pa sa leeg nito ang nylon cord na ipi­nansakal habang nakagapos ang mga kamay at paa.

Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:00 ng gabi nang humingi ng tulong si Luzvi­minda Vallenas, 47, ng Unit 569 ng nasabing gusali kay Brgy. Chairman Santiago Alva  nang kutuban sa masansang  na amoy na nagmumula sa kuwarto ng biktima.

Nagtataka umano si Vallenas, pinsan ng live-in partner ng biktima, na hindi lumalabas ng bahay at hindi nakikita ang biktima, gayung dapat ay pumapasok umano ito sa trabaho.

Pinuntahan umano ito ni Vallenas subalit hindi matiis ang amoy kaya humingi ng saklolo dahil sa duda na may masamang nangyari, lalo’t wala umano ang live-in partner nito na si Marcelino Paller, nagtungo sa Eastern Visayas.

Huling nakitang buhay ang biktima noong Disyembre 24, nang umuwi umano mula sa trabaho. Patuloy pang iimbes­tigahan ang insidente.

 

vuukle comment

CHAIRMAN SANTIAGO ALVA

EASTERN VISAYAS

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARCELINO PALLER

MARLON SAN PEDRO

MAYNILA

TENEMENT BUILDING

TERESITA GONZALEZ

VALLENAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with