9-anyos ni-rape, pinatay ng ex-convict

MANILA, Philippines - Patay na nang ma­tag­­puan ang isang 9-anyos na nene sa isang bakanteng lote malapit sa bahay ng suspek na ex-convict na itinuturong gu­mahasa at pumatay dito, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Nakilala ang nasawi na si Crissa Ann Marasigan, grade 3 pupil, at naninirahan sa Bagong Sikat, Brgy. Sta. Ana, ng naturang lungsod. Nagtamo ang biktima ng malalim na sugat sa leeg sanhi ng kanyang kamatayan.

Nadakip naman sa isinagawang operasyon ang suspek na si Mario Cruz, 33, binata, at residente rin ng natu­rang lugar. Nabatid na dati na itong nakulong dahil sa kaso ring panggagahasa.

Sa ulat ng Taguig City Police, sinabi ng ina ng biktima na si Alma na inutusan niya ang anak na bumili ng diaper ng kapatid na sanggol dakong mag-alas-7 ng gabi. Nagtaka naman siya nang higit kalahating oras na ay hindi pa bumabalik ang anak kaya nagpasya silang hanapin ito.

Nang hindi matagpuan, hu­mingi na ng saklolo ang pa­milya Marasigan sa mga barangay tanod hanggang sa matagpuan ang wala nang buhay na katawan ng biktima sa isang bakanteng lote sa tapat ng bahay ng suspek na si Cruz.

Hindi naman natagpuan si Cruz sa loob ng bahay kaya nagsagawa ng manhunt ope­ration na nagresulta sa pag­kakadakip nito sa natu­rang barangay.

Show comments