17-anyos na binatilyo, utas sa pamamaril

MANILA, Philippines - Patay ang isang 17-anyos na out-of-school  youth nang pagbabarilin habang naglalakad kasama ang isang kaibigan na nasugatan din sa insidente sa Parola Compound, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Uldarico Costibolo, 17, residente ng Pier 2, APEX Compound, Parola, Tondo, dahil sa tinamong bala sa dibdib.

Nagpapagaling na sa bahay ang sugatang si Mark Gil Villamor, 23, na residente rin sa nasabing lugar.

Sa ulat ni SPO3 Rodelio Lingcong, dakong alas -11:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Gate 54 Area C, ng Parola habang naglalakad umano  sina Costibolo at Villamor  nang bigla na lamang pagbabarilin  ng suspect.

Daplis lamang ang natamo ni Villamor.

Isinugod sa nasabing ospital ang biktima subalit hindi na umabot ng buhay.

Patuloy pa ang imbestigasyon.

Show comments