Biktima ng sagasa, inabandona sa sementeryo

MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan ng isang 54-anyos na lalaki matapos itong  abandonahin  ng isang driver na nakasagasa dito kahapon sa lungsod ng Caloocan.

Nakilala ang napatay na si Rodolfo De Vera,   ng Rodriguez St., Sangandaan Caloocan City matapos magkalasug-lasog ang katawan nito.

Nasa custody naman ng Malabon City Police ang suspek na si Ronaldo Verdadero, 46, driver ng pampasaherong jeep (PSJ-746) na may rutang Sangandaan Divisoria.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-12:30 ng tanghali  nang mabundol ng nasabing sasakyan ang biktima habang naghahalukay ng basura sa Calle Uno St.,  Sangandaan, Caloocan City.

Habang naghihingalo ang biktima agad sinabihan ng barker na si Fundador Bulan ang driver na dalhin ito sa ospital.

Subalit  sa matinding pagkalito at  pagkabalisa ng suspek sa halip na dalhin sa ospital  ay  iniwan nito ang naghihingalong biktima sa tapat ng isang mausoleum sa loob ng Tugatog Cemetery, Brgy. Tugatog. Malabon City na doon na rin ito tuluyang namatay.

Sa isang follow-up operation ng mga pulis nadakip ang suspek na si Verdadero matapos itong ituro ni Bulan.

Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Verdadero.

Show comments