^

Metro

2 salvage victim natagpuan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang bangkay ng hindi nakikilalang lalaki ang muli na namang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa lungsod Quezon kahapon

Ayon kay PO2 Hermogenes Capili ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD,  ang isa sa mga biktima ay pinaniniwalaang pinatay sa pamamagitan ng pananakal habang ang isa naman ay sa pamamagitan ng pamamalo ng matigas na bagay sa kanyang noo. Nakitaan din umano ito ng mga hiwa sa katawan.

Sa imbestigasyon, ang unang biktima ay isinalarawan sa kulay grey na pants at kulay puting t-shirt, nasa pagitan ng edad 30-40, may taas na 5’2’’, at katamtaman ang pangangatawan.

Habang ang isa naman ay nakasuot ng kulay gray na t-shirt, at itim na long pants, nasa pagitan ng edad na 40-45, at may tattoo sa kaliwang pulso na “Eden”.

Ala-1 ng madaling-araw nang matagpuan ng barangay tanod ang unang biktima habang nakahandusay sa may kahabaan ng Edsa, partikular sa Oliveros St., Brgy. Apolonio Samson, habang alas-7 naman ng umaga nang matagpuan ang ikalawang biktima sa may kahabaan ng Payatas Road, Group 3, Brgy. Payatas.

Inaalam pa ng pulisya kung iisa ang posibleng may gawa sa dalawang pagpaslang.

vuukle comment

APOLONIO SAMSON

AYON

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DALAWANG

EDSA

HABANG

HERMOGENES CAPILI

OLIVEROS ST.

PAYATAS ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with