^

Metro

Simula sa 2014 kokolektahing basura sa QC, may bayad na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Simula sa pagpasok ng susunod na taon, ang anumang basura na makukolekta ng Quezon City government mula sa mga residente ng lungsod ay mayroon nang kaukulang bayad.

Ito ay makaraang aprubahan ng Quezon City  council­ sa ikatlo at huling pagbasa ang isang ordinansa na layuning bayaran ng mga taga-lungsod ang itatapon at kokolektahing basura. Ang naturang ordinansa ay takda namang lagdaan ni QC Mayor Herbert Bautista para sa pagpapatupad dito.

Ang ordinansa na inakda ni QC District 1 Councilor Victor Ferrer Jr. ay nagsasaad na magbabayad ng annual garbage fee na mula  P100 hanggang P500  ang mga residente ng QC depende sa dami at bulto ng basura na nakokolekta dito at mas mataas na halaga naman ang sisingilin sa homeowner’s associations at mga may-ari ng matataas na gusali, apartments at condominiums.

Ang  homeowner na hindi makakasunod ay pagmumultahin ng  25-percent na mas mataas na babayaran sa mako­kolektang basura at 2-percent monthly interest  hanggang sa ito ay mabayaran.

Umani naman ng negatibong reaksiyon ang naturang ordinansa at nagsasabing ang pagkolekta ng basura sa mga kabahayan ay dapat ilibre ng lokal na pamahalaan dahil bahagi ito ng serbisyo nito.

Sinasabing ang pondo na makokolekta mula dito ay ilalagay sa isang special account para gamitin sa epektibong pagpapatupad sa solid waste at garbage collection sa lunsod Pantulong din umano ang pondo mula dito sa panga­ngalaga sa basura  ng tumataas na populasyon sa lungsod.

BASURA

COUNCILOR VICTOR FERRER JR.

MAYOR HERBERT BAUTISTA

PANTULONG

QUEZON CITY

SINASABING

UMANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with