Malate fire: 2 patay
MANILA, Philippines - Dalawa ang nasawi sa naganap na sunog sa Malate, Maynila kahapon ng madaling-araw na tumupok din sa may 100 kabahayan.
Kinilala ni Manila Arson Investigator Chief Inspector Ramon Geronimo ang mga biktimang sina RoÂsario Garcia, 95, at Rodolfo Castro, 62, na kapwa na-trap sa loob ng kanilang bahay sa Zapanta St. sa naturang lugar.
Batay sa report, naÂganap ang sunog dakong ala-1:30 ng madaling-araw. Umaabot sa 50 bahay ang natupok.
Sinabi ni Aquino Samblaneno kapitbahay ng mga biktima, nagulat na lamang sila nang makita ang mga nagliliparang alipato kung saan sinubukan nilang apulahin hanggang sa tumawag ng bumbero.
Dahil sa light materials mabilis na kumalat ang apoy na tumagal ng halos dalawang oras.
Ayon sa kay Noli GarciaÂ, apo ng biktimang si Rosario, sinubukan nilang iligtas ang kanyang lola at tiyuhin subalit naging mabilis ang pangyayari at pagkalat ng apoy.
Nahirapan din ang mga bumbero na pasukin ang lugar dahil sa sikip ng daan at dikit-dikit na kaÂbahayan.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng naabong ari-arian.
Idineklarang kontrolado ang apoy dakong alas-4:30 ng madaling-araw.
- Latest