Gasolinahan hinoldap

MANILA, Philippines - Bumati muna  ng Merry Christmas bago hinoldap ng di-kilalang lalaki ang kahero ng gasolinahan kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Sa pahayag  ng kaherong si Edmond Dela Vega, 29, naganap ang insidente  bandang alas-3 ng madaling-araw  sa kahabaan ng C-4 Road sa nasabing lungsod.

Nabatid na biglang dumating ang taxing Toyota Avanza (TXZ-568) na may sakay na di-kilalang lalaki.

Binati muna ng Merry Christmas ang kahero bago tinutukan ng baril kung saan nilimas ang P3,000 kinita ng gasolinahan.

Show comments