Gasolinahan hinoldap
December 24, 2013 | 12:00am
MANILA, Philippines - Bumati muna ng Merry Christmas bago hinoldap ng di-kilalang lalaki ang kahero ng gasolinahan kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.
Sa pahayag ng kaherong si Edmond Dela Vega, 29, naganap ang insidente bandang alas-3 ng madaling-araw sa kahabaan ng C-4 Road sa nasabing lungsod.
Nabatid na biglang dumating ang taxing Toyota Avanza (TXZ-568) na may sakay na di-kilalang lalaki.
Binati muna ng Merry Christmas ang kahero bago tinutukan ng baril kung saan nilimas ang P3,000 kinita ng gasolinahan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended