^

Metro

QC gov’t namahagi ng 100-bangka sa Leyte

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang may mapasimulang hanapbuhay ang mga mangingisdang biktima ng bagyong Yolanda ay nagkaloob ang QC government ng 100-bangkang de-motor sa mga mangingisda sa bayan ng Tolosa Leyte.

Sa pahayag ni QC Mayor Herbert M. Bautista na bukod­ sa mga motorized banca ay tutulungan din ng lokal na pamahalaan ang Tolosa na mapaglaanan ng ilang livelihood assistance sa pamamagitan ng pagkakaloob ng training sa mga residente para mapapagkakitaan at kaunting capital na mapapagsimulan.

Una nang nagtungo si Mayor Bautista kasama ang ilang lokal na opisyal sa bayan ng Tolosa kung saan namahagi ng relief items kabilang na ang  generator sets, solar lighting, charging system, construction tools at iba pa.

Kabilang din sa planong naitulong ng QC government sa Tolosa ang pagpapatayo ng public buildings tulad ng municipal hall, rural health center at legislative building.

Ganitong tulong din ang naipagkaloob ng QC government sa bayan ng Sta. Fe, Leyte na tinanggap naman ni Mayor Ramon Monteza.

Kaugnay nito, personal namang dinala ni QC Vice Mayor Joy Belmonte kay  Palompon Mayor Ramon Oñate ang check donation ng QC sa nabanggit na bayan na nagkakahalaga ng P6.1 milyon.

BAUTISTA

MAYOR BAUTISTA

MAYOR HERBERT M

MAYOR RAMON MONTEZA

PALOMPON MAYOR RAMON O

TOLOSA

TOLOSA LEYTE

VICE MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with