MANILA, Philippines - Patay ang isang sinasabing ‘siga’ nang paputukan ng ilang beses ng isang di pa kilalang lalaki, sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Manny VillaÂnueva, may asawa, walang trabaho, sinasabing sangkot sa mga iligal na gawain at residente ng #1052, Gate 7, Area- A, Parola Cmpd., Tondo.
Bigo pang matukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng tumakas na suspect at motibo sa krimen dahil walang nais magsalita sa mga
 nakaÂsaksing residente.

Sa ulat ni PO3 Ronald Gallo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5:15 ng hapon nang maganap ang insidente sa Gate 19, Parola Compound, Tondo.
Naglalakad ang bikÂtima habang may naÂkaÂÂsukbit sa beywang na baril nang
 harangin umano ng suspect at malapitang barilin sa noo, katawan at likod.

 Nang bumuÂlagta, saka lamang sumaklolo na ihatid sa Gat Andres
 Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktima ng mga 
nakaÂistambay subalit idiÂneklarang dead-on-arrival.
Patuloy pa ang imÂbesÂtigasyon at paghahanap ng testigo sa 
insidente.