Imbakan ng pekeng gamot, sinalakay ng NBI

MANILA, Philippines - Sinalakay kamakailan  ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI)-Special Investigation Service  ang isang bahay na ginagawang imbakan ng mga pekeng gamot at food supplements  sa  Pasig City,

Kinumpirma ni NBI De­puty Director Ruel Lasala,  ang  nasamsam na milyun-milyong pisong halaga ng mga pekeng gamot at food supplements sa Greenville Subdivision sa Pasig City .

Iniimbentaryo pa umano ang iba’t ibang klase ng mga gamot at iba pang food supplements na nadis­kubreng nakabodega doon at aalamin din kung counterfeit products ang mga ito.

Ang pagsalakay ay isinagawa kasunod ng ipinalabas na search warrant ng Manila Regional Trial Court.

Show comments