MANILA, Philippines - Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang nasawi nang mahagip ng humahaÂgibis na motorsiklo ang kanyang sinasakyang bisikleta kamakalawa ng umaga sa may Araneta Avenue sa lungsod Quezon.
Sinabi ni SPO4 Raymundo Layug, alas-5 ng umaga ng Sabado kahapon nang bawian ng buhay ang matanda habang nilalapatan ng lunas sa Quezon City General Hospital.
Anya, ang biktima ay may edad 60 hanggang 70-anyos, nasa 5’5†ang taas, kayumanggi at nakaÂsuot ng puting t-shirt at short pants nang maaksidente.
Ayon sa pulisya, ang driver ng motorsiklo na isang Joey Reyes, 29, ay nasa kustodiya na ng pulisya at takdang kasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide.
Sinasabing may iniwasang sasakyan ang motorsiklo kaya’t natumbok nitong mahagip ang matanda na noon ay nagbibisikleta sa nabanggit na lugar.