^

Metro

Nahulihan ng 330 kilo ng shabu 30 taon hatol sa mag-utol na Tsino

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinatulan ng 30 taon pagkakabilanggo ang dalawang Chinese national matapos na mapatunayang nagka­sala  sa pagdadala ng mahigit sa 330 kilos ng shabu sa ating bansa noong 2001.

Sa 41-pahinang de­sisyon, napatuna­yan ni Regional Trial Court Branch (RTC) 79 Judge Nadine Jessica Corazon Fama na nagkasala ang magkapatid na sina Edwin Chua at William Chua dahil sa paglabag sa Dangerous­ Drugs Act of 1972.

Pinatawan ng hu­wes ng reclusion perpetua o kahit man lamang 30 taon pagkakapiit.

Ang paglabag ay ini­hain kaugnay sa 1972 law  at hindi sa Comprehensive Dangerous­ Drugs Law of 2002 – dahil ang pagdakip ay nangyari noong Nov. 15, 2001 sa Zambales.

Ang kaso ay orihinal na isinampa sa isang  RTC sa Iba, pero kala­unan ay inilipat sa  Quezon City kasunod ang isang motion for transfer at ang sumusunod na approval ng Supreme Court.

Samantala, ang kaso laban sa ikatlong suspek na nakilalang si Henry Tamayo Tan  ay naka-archive na matapos na maka­takas mula sa selda sa Camp Crame noong Oct. 2002.

Ang kaso ay isinampa matapos na ang akusado ay na­dakip ng elemento ng NBI na nakaharang sa dalawang asian utility­ vehicles – isa ay minamaneho ni Tan, habang ang isa  ay dala ng magkapatid na Chua  sa ginawang operasyon kung saan nasabat ang malaking kargamento ng illegal na droga.

Ayon kay Prosecution witness Geovel Aperio, isang special investigator ng NBI, inatasan siya ng ahensya para maghanda ng isang operasyon kasama ang kanyang team para masabat ang illegal shipment na dadaong sa may baybayin ng La Union. Sabi nito, ang source umano ng impormas­yon ay ang Philippine National Police (PNP) Narco­tics Group at ang Drug Enforcement Agency ng United States of America.

 

CAMP CRAME

COMPREHENSIVE DANGEROUS

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

DRUGS LAW

EDWIN CHUA

GEOVEL APERIO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with