MANILA, Philippines - Dalawang negosyante ang pinagbabaril at naÂpatay ng riding in tandem sa magkahiwalay na lugar sa MaÂlabon at lungsod Quezon.
Sa Quezon City, binaril at napatay ang negosyanteng si Noel Leon, 38, ng Romualdez St., BF Homes Subdivision, Brgy. Holy Spirit sa lungsod.
Blangko pa rin ang awtoÂridad sa pagkakakilanlan ng salarin dahil wala man lamang nagnanais na tumestigo sa krimen.
Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Payapa St., corner Mangga St., Brgy. Culiat, ganap na ala-1 ng madaling-araw.
Nagawa pang maitakbo ang biktima sa East Avenue Medical Center, pero makalipas ang dalawang oras na gamutan ay idineklara rin itong patay.
Samantala, patay din ang isang negosyanteng ginang nang pagbabarilin ito ng tandem kamakalawa. NaÂmatay habang ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Jenny Del Rosario, 54, ng Anonas Road, Brgy. Potrero ng naturang lungsod sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45 baril sa mukha at ulo.
Naganap ang insidente alas-5:00 ng hapon sa tapat ng tindahan ng biktima sa naturang lugar habang nakatayo ang ginang at kausap ang kanyang manugang nang biglang sumulpot ang mga suspek na armado ng baril.
Walang sabi-sabing piÂnagbabaril ang biktima na naging dahilan upang duguan itong bumulagta.