MANILA, Philippines - Dalawang tama ng bala sa ulo ang ikinasawi ng 34-anyos na lalaki bagamat bigong mapuruhan ang live-in partner nito na nagtamo ng bala sa pisngi, nang pasukin sila ng hindi pa batid na salarin habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Balut, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Dead-on-arrival sa Tondo General Hospital si Roy Apinan, residente ng Moderna St., Balut, Tondo habang ginagamot naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang live-in partner nitong si Patricia Marie Felix, 23, na nabasag pa ang panga dahil sa nakabaong bala.
Sa ulat ng pulisya, nasa kasarapan ng tulog ang daÂlawa, bandang alas-2:00 ng madaling-araw nang hindi namalayan ang pagpasok ng suspect sa kanilang bahay at walang sabi-sabing pinaÂulanan ng putok ng baril ang magkatabing biktima.
Inakala ng salarin na napuruhan na rin niya ang babae kaya mabilis na itong tumakas.
Inaalam pa ang impormasyon na maaaring may kaugnayan sa iligal na droga ang nasabing krimen.