^

Metro

Mag-live-in niratrat sa loob ng bahay: 1 patay, 1 kritikal

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang tama ng bala sa ulo ang ikinasawi ng 34-anyos na lalaki bagamat bigong mapuruhan ang live-in partner nito na nagtamo ng bala sa pisngi, nang pasukin sila ng hindi pa batid na salarin habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Balut, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa Tondo General Hospital si Roy Apinan, residente ng Moderna St., Balut, Tondo habang ginagamot naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang live-in partner nitong si Patricia Marie Felix, 23, na nabasag pa ang panga dahil sa nakabaong bala.

Sa ulat ng pulisya, nasa kasarapan ng tulog ang da­lawa, bandang alas-2:00 ng madaling-araw nang hindi namalayan ang pagpasok ng suspect sa kanilang bahay at walang sabi-sabing pina­ulanan ng putok ng baril ang magkatabing biktima.

Inakala ng salarin na napuruhan na rin niya ang babae kaya mabilis na itong tumakas.

Inaalam pa ang impormasyon na maaaring may kaugnayan sa iligal na droga ang nasabing krimen.

DALAWANG

INAALAM

INAKALA

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MAYNILA

MODERNA ST.

PATRICIA MARIE FELIX

ROY APINAN

TONDO GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with