MANILA, Philippines - Upang maiwasan ang labis na siksikan at sakitan sa mga pasahero, nagpapatupad na rin ng “crowd control scheme†ang Metro Rail Transit (MRT) sa bawat istasyon nila sa EDSA.
Sa ilalim nito, hanggang 500 pasahero lamang ang papapasukin sa loob ng platform ng bawat istasyon at paghihintayin sa labas ang iba pa habang hindi nakakasakay ang mga pasahero na nasa loob.
Sinabi ni MRT General Manager Al Vitangcol III, ipiÂnatupad nila ang gaÂnitong sistema upang magkaroon ng tsansa ang ibang mga pasahero na naghihintay sa ibang isÂtasyon na makasakay pa sa tren pagdating sa kanila.
Ginagawa umano kasi ng ibang pasahero ay nagÂra-roundtrip o hindi na bababa pagsapit ng EDSA-Taft Avenue station upang makaupo sila habang ang mga naghihintay ay mapipilitang tumayo. Maiiwasan rin na mag-ipun-ipon ang mga pasahero sa mga unang istasyon na pangunahing dahilan ng matinÂding paghaba ng pila tuwing rush hour.
Sa pamamagitan umano ng crowd control, magkakaroon ng pantay na distribusyon ng bilang ng pasahero na makakasakay sa tren sa bawat biyahe nito.
Sa kabila nito, lumikha pa rin ng reklamo ang bagong panuntunan ng MRT dahil sa paghaba lalo ng pila sa labas ng mga istasyon ng halos kalahating kilometro.
Matatandaan na una nang nagpatupad ng “crowd control†ang Light Rail Transit Line 1.