Appointment ni UDM prexy co-terminus ni Erap

MANILA, Philippines - Ang aking appointment ay co-terminus ni  Manila Mayor Joseph Estrada.

Ito naman ang binigyan diin ni Unibersidad de Manila President Dr.  Benjamin Tayabas bunsod  na rin ng  pagkondena at pagkuwestiyon ng  faculty ng nasabing unibersidad sa kanyang pagkakatalaga.

Batay sa sulat ni Tayabas, ang kanyang ‘term appointment’ ay bunsod na rin ng appointing authority ni Estrada at hindi ‘regular appointment’ na nakasaad sa Civil Service Commission. Nangangahulugan din lamang ito na  hindi ito  covered ng ‘age requirement’.

Sinabi pa ni Tayabas na nakapanumpa  din siya kay Estrada at ang lahat ng kanyang   responsibilidad  bilang  pangulo ng UDM ay may basbas ng  Board of Regents ng  unibersidad.

Idinagdag pa ng UDM president na  maayos na ang kanyang kalusugan at maaari nang magtrabaho batay sa medical certificate na ibinigay ng kanyang  doctor na si Eugenio Reyes, MD FPCP, FPCC.

Nakakalungkot lamang ayon kay Tayabas na sa pagnanais niyang  maayos ang pamamalakad at sistema sa UDM ay siya ang  ginagawang ng kontrobersiya samantalang  nakakagulat din ang kanyang natuklasang ‘extra load’ ng mga guro na umaabot  mula  P10,000-P33,000 bukod pa sa regular na mga sahod nito buwan-buwan. May iba ring guro na bukod sa ‘regular load’ o monthly salary at ‘extra load’, may nakatala pang  ‘other load’ sa ilang guro na ayon kay Tayabas ay kuwestiyonable.

Aminado naman si Tayabas na maaaring ibigay ang  mga ‘extra pay’ kung nakikita  na tumataas ang  kalidad ng edukasyon sa UDM.

 

Show comments