7 tiktik ng PDEA tumanggap ng P4.3-M pabuya
MANILA, Philippines - Pitong impormante na nakapagbigay ng mahalagang impormasyon para mabuwag ang ilang sindikato ng bawal na droga ang tumanggap ng kabuuang P4.3 milyong cash na pabuya mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon sa Quezon City.
Ayon kay PDEA Director General Arturo G. Cacdac Jr., tulad ng ibang impormante na kanilang ginantimpalaan, itinago ang pagkakakilanlan ng mga ito sa mga codenames na Segul, Mac-mac, Balik Loob, Ebok, Coca, Cold Ice, at Jows.
Ang naturang cash reward ay inaprubahan ng iba’t ibang sektor ng lipunan na miyembro ng OPE Rewards Committee kung saan gumagarantiya sa kabuuang P4,396,663.40 monetary rewards sa mga impormante kasunod ang matinding deliberasyonÂ.
Sa mga impormante, tanging si Jows ang tumanggap ng P1,556,995.63 dahil sa impormasyong ibinahagi nito na nagresulta sa pagkakasamsam ng 36.7 kilo ng shabu, at ang pagkakadakip ng isang Chinese national at kanyang kasamahang Pinoy noong November 29, 2013 sa bayan ng Mexico, Pampanga.
Nauna nang binigyan ng PDEA ang 22 civilian informants na tumanggap ng P12.9 milyong cash rewards sa ilalim ng PDEA Operation Private Eye.
- Latest