MANILA, Philippines - Aabot sa 18-katao ang iniulat na namatay makaraang mahulog ang pampasaherong bus ng Don Mariano Transit mula sa itaas ng Skyway sa bahagi ng Parañaque City kahapon ng umaga.
Ayon kay SPO2 Sid Dumlao ng Highway Patrol Group, nasa 18 ang namatay habang 16 naman ang sugatan kabilang ang driver ng bus (UVC 916) na si Carmelo Calatcat at driver ng closed-van (ULX 874) na si Gilbert MonÂtellana.
Kabilang sa mga sugatang pasahero ang isinugod sa Parañaque Doctor’s Hospital habang apat sa Parañaque Medical Center, isa sa South Superhighway Medical Center at ang daÂlawa naman sa Ospital ng Muntinlupa.
Sa hiwalay na ulat naman ng Philippine Red Cross (PRC) na isa sa unang rumesponde nasa 22 ang namatay base sa kanilang talaan.
Sa paunang ulat, naganap ang trahedya bandang alas-5 ng umaga nang malaglag mula sa itaas ng Skyway ang bus na biyaheng Pacita Complex sa bayan ng San Pedro, Laguna kung saan buÂmagsak sa closed-van na bumibiyahe naman sa west service road ng South Luzon Expressway (SLEX).
Sa pahayag ng isa sa mga sugatang pasahero na si Ryan, sobrang tulin ng pagpapatakbo ng driver na si Calatcat hanggang sa mapansin nila na pagewang-gewang ang andar ng bus kung saan hindi na makontrol ang manibela.
Nagawang makalayo ni Ryan sa driver at humawak nang mahigpit sa bakal kung saan tuluyang nahulog ang bus mula sa Skyway.
Sa panig ni Skyway communications officer Ivy Vidal, patuloy ang imbestigasyon base sa kuha ng kanilang closed-circuit television (CCTV) camera.
“Hindi basta-basta bibigay ang railings ng Skyway na international standard ang pagkakagawa maliban na lamang kung sobrang bilis at lakas ng impact ng sasakyan,†dagdag pa ni Vidal.
Sa kasalukuyan ay wala pa namang kinatawan ang Don Mariano Transit ang nagtungo sa mga pagamutan upang makipagkoordinasyon sa mga biktima at mga awtoridad.