Albay tourism lumago
MANILA, Philippines - Napanatili ng Albay ang pagsulong ng turismo nito na lumago ng 29.01% sa unang siyam na buwan ng 2013, higit na mataas sa 11.4% national tourism growth ng bansa sa parehong panahon sa kabila ng mga hamong nagpahina sa turismo ng ibang rehiyon.
Sa statistics ng Department of Tourism (DOT), 520,536 turista ang bumisita sa Albay mula Enero hanggang Oktubre kumapara sa 403,480 na dumalaw sa lalawigan sa loob ng parehong panahon noong nakaraang taon.
Sa pangkalahatang bilang, 369,648 ang mga turistang Pinoy mula sa 371,608 noong 2012; samantalang 150,852 ang mga foreign tourists mula sa 131,874 noong 2012.
Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, ang paglago ng turismo ng lalawigan ay bunga ng masigasig na kampanya at mga prograÂmang pangturista nito, kasama na ang pag-host sa mga proyekto ng mga travel groups.
Tinanghal na pang-7 ang Albay sa “Top Ten largest overnight destinations†sa bansa noong 2012, dahil sa naiibang mga “tourism sites†mabisang programang pangÂturismo nito.
Ayon kay Salceda, ang magandang Mayon Volcano†pa rin ang pinakamalakas umakit ng mga turista na lalong pinatitingkad pa ng iba pang mga tourism assets ng Albay, gaya ng Cagsawa Ruins Park sa Daraga, Mayon Planetarium sa Tabaco City, lutong Pinangat ang matatandang bahay sa Camalig; gawaan ng palayok sa Tiwi’ at ang mga Spanish-era baroque churches sa mga bayan-bayan.
Ang buong taong mga festivals ng Albay, dagdag ni Salceda, ay malakas na pang-akit ng mga turista. Ang pinaka-grande sa mga ito ay ang Daragang Magayon Festival sa Abril.
- Latest