P300B bigong makolekta ng BIR

MANILA, Philippines - Umaabot sa halos P300 bilyon ang bigong makolekta sa buwis ng Bureau of Internal Re­venue (BIR).

Ito ay batay sa ulat ng Commission on Audit­ (COA) mula sa mga delinquent accounts na umano’y napabayaan ng BIR na singilin kung saan umabot ito sa 188 percent o P298.981 bil­yon noong 2012 mula sa P103.757 bilyon delinquent accounts noong 2011.

Pero sinabi ni BIR Commissioner Kim He­nares na ang mga accounts na ito ay kinabibilangan ng mga bad checks noon pang bago pumasok ang Aquino administration.

Gayunman, hindi naman kinumpirma ni Hena­res kung ang mga naturang accounts ay mula noong panahon ni da­ting Pangulo na ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo. Noong Arroyo administration, si Hena­res ay tumayong deputy commissioner for special concerns sa BIR.

Sinabi ni Henares na noong panahong iyon ay bumuo ng isang centralized arrears management system ang BIR para sa Metro Manila dahil ang 70 porsiyento ng delinquent accounts ay dito nanggaling.

 

Show comments