MANILA, Philippines - Tiniyak ni Immigration Commission Siegfred Mison na hindi nila tatantanan ang mga foreign national na sangkot sa iba’t ibang illegal business activities sa bansa.
Ang paniniyak ay ginawa ni Mison matapos ang ginawang pagsalakay kamakailan sa 168 mall sa Divisoria matapos na makatanggap ng report na sangkot ang may 81 Chinese sa bentahan ng mga kalakal sa nasabing mall ng walang proper working permits. Ang nasabing raid ay alinsunod sa Mission Order (SBM-2013-55 na may petsang 10 December 2013).
Paliwanag ni Mison, ang kanilang operasyon ay pagpapa-iral lamang ng immigration laws na kadalasang nilalabag ng mga dayuhan.
Nakalagay sa batas na kailangan lamang munang magpakita ng permit to do business o working permit ang sinumang negosyanteng dayuhan bago magkalakal sa bansa.
Lumilitaw din na marami nang natanggap na reklamo ang nasabing mall.
“The operations in 168 mall has been planned a long time ago, approved and covered by a Mission order. It was preceded by extensive casing of the area and intelligence gathering using all available sources of information. Further, it was preceeded by press releases voluntary surrender program whereas all “illegals†were asked to update, pay or come out in the open with a commitment of no arrest and no detention,†ani Mison.
Nabatid na isinagawa ni Atty. Jose Carlitos Licas, hepe ng intelligence division ng BI ang operasyon katulong ang National Capital Region (NCR) Regional Public Safety.
Matatandaang isang event organizer ang dinakip kamakailan ng BI bunsod ng pagsasagawa ng fund-raising concert sa Cuneta Astrodome nang walang kaukulang permiso mula sa kawanihan.