Pamilya minasaker sa Navotas

MANILA, Philippines - Patay makaraang pagbabarilin ang mag-asawa at anak nilang nasa anim na buwang buntis kahapon ng umaga sa loob ng kanilang bahay sa lungsod ng Navotas.

Nasawi noon din ang mga biktima na kinilala ng pulisya na sina Cecilio Delolang, 55, dating traffic enforcer; misis nitong si Rosa,  at  ang 18-anyos nilang anak na si Jocelyn, na buntis ng anim na buwan,  at nakatira sa Everlasting St., Brgy. San Roque ng naturang siyudad. Ang mga biktima ay nagtamo ng mga  tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa kalibre .45 at 9mm na baril.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na kinilala sa alyas Jeje, da­ting nobyo ni Jocelyn na sinasabing nakatira rin sa naturang lugar.

Sa sketchy report  ng Navotas City Police, na­ganap ang insidente alas-7:30 ng umaga sa bahay ng mga biktima.

Nabatid na masama umano ang loob ng suspek dahil may iba nang ka­relasyon si Jocelyn, kung kaya’t pumunta ito sa bahay ng mga biktima na armado ng baril.        

Dito ay walang sabi-sabin­g pinagbabaril ng suspek ang mga biktima.

Sinasabing matindi rin ang galit ng suspect sa mga magulang ng dating­ kasintahan dahil ang mga ito ­ ang dahilan nang pag­hihiwalay nila ni Jocelyn­.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek.

Patuloy naman ang isi­nasagawang manhunt operation­ laban sa suspect­.

Show comments