MANILA, Philippines - Inabisuhan kahapon ng pamahalaang lungsod ng Pasay ang mga apektadong motorista sa pansamantalang pagsasara sa ilang bahagi ng Roxas Boulevard ngayong Sabado ng maÂdaling-araw dahil sa gaganaping ‘Santa Fun Run’.
Sinabi ni Pasay City spokesman Jonathan Malaya dakong ala-1 hanggang alas-10 ng umaga isasara ang northbound lane ng Roxas Blvd. (Baclaran patungo sa CCP complex) habang ang southbound lane naman ay uumpisahang isara sa mga motorista mula alas-4 ng madaling araw hanggang alas-10 ng umaga.
Inaabisuhan ang mga motorista na maaapektuhan na sundin ang itatalaga nilang mga alternatibong ruta. Magpapakalat naman ang pamahalaang lungsod ng sapat na traffic enÂforcers para umalalay sa mga motorista.
Ayon pa kay Malaya, iniÂlunsad ni Pasay City Mayor Antonino Calixto ang “Santa Run Philippines: Be a Santa for the Orphans of Yolanda†upang makalikom ng mga donasyon na ibibigay sa mga pamilya at mga bata na naapektuhan ng bagyong Yolanda.
Sa halip na magtakda ng halaga para registration fee tulad ng ibang fun runs, nanghihingi na lamang ng donasyong pera sa anumang halaga, pagkain at ibang gamit sa mga “fun run enthusiasts†na nais sumali sa pagtakbo.
May kategoryang 1K, 3K at 5K ang naturang fun run kung saan bibigyan ng “Be a Santa shirt†at Santa hat ang mga kalahok.