P12.9-M reward, tinanggap ng 22 ‘tiktik’
MANILA, Philippines - Dalawampu’t dalawang impormante na nakatulong sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nakatanggap ng may kabuuang P12.9 million cash bilang pabuya ng ahensya sa kanilang tulong sanhi sa pagkakabuwag sa ilang iligal na operasyon ng droga sa bansa.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. upang hindi malagay sa alanganin ang kanilang buhay, itinago ang mga impormante sa mga codenames na Segul, Silup, Sparta, Clyde, Macmac, Dong, Dazzler, Peter So, Brent, Miami, Jabar, Panzer, Jhong, Balik Loob, Melanie, Alien, Tiger, Repa, Storm, Cold Ice, Goku at Anaconda.
“Our 22 informants were identified only by their codenames in order to protect and secure their identities. All information we receive through Operation Private Eye are being handled with utmost secrecy,†sabi pa ni Cacdac.
Ang mga nasabing impormante ay kabilang sa binuong team ng PDEA ang ‘operation private eye’.
Ayon kay Cacdac, ang mga nasabing impormante ang naging gabay ng kanilang ahensya para makaÂkuha ng impormasyon laban sa sindikato ng iligal na droga at maaresto ang ilang tinuturing na high value drug personalities sa bansa.
Karamihan sa mga itiÂnimbre ng mga naturang impormante ay ang pagkaÂkakumpiska sa malalaking volume ng methamphetamine hydrochloride, o shabu, at cocaine.
Personal na tinanggap ng 22 impormante ang kanilang gantimpala sa PDEA NaÂtional Headquarters sa Quezon City, kahapon ng umaga.
Ang PDEA Operation Private Eye (OPE), ay isang gantimpala at insentibong ibinibigay ng ahensya para mahikayat ang maraming indibiduwal na magreport sa kanila hinggil sa pinaghihinalaan nilang may iligal na aktibidad sa droga sa kanilang mga komunidad.
Ang paggawad ng cash ay sinala ng Private Eye Rewards Committee, na kinabibilangan ng mga miyembro mula sa academe, non-government organizations, law enforcement, religious at business sectors na nag-aproba ng resolution para ibigay ang may kabuuang P12.9 million moÂnetary rewards sa naturang mga impormante.
Sa mga impormante, tanging sina Goku at Anaconda ang nakatanggap ng malaking gantimpala na aabot sa P2 milyon bawat isa.
Sa pamamagitan ni Goku ay naaresto ang anim na personalidad na sangkot sa iligal na droga kung saan nakasamsam ang ahensya ng 433.2 kilograms ng shabu sa Sto. Tomas, Subic, Zambales noong Agosto ng kasalukuyang taon.
Habang si Anaconda ang nagbigay ng impormasÂyon na nagresulta sa pagkakasamsam ng 62.7188 kilograms ng shabu at pagkakadakip ng tatlong drug persoÂnalities sa impleÂmentasyon ng search warrant sa may Unit 704 Cathay Mansions, Mayhaligue St., Tondo, Manila noong September 6, 2013.
- Latest