MANILA, Philippines - Isang lalaki ang nasawi makaraang barilin sa mukha ng isang hindi pa nakikilalang salarin na hinihinalang nagpaÂdala ng text message sa biktima, kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.
Namatay noon din ang biktimang nakilaÂlang si Ronidel BauÂtista, 28-anyos, ng B. CaÂseÂñas St., Brgy. Tangos, ng naturang lungsod.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, natutulog na ang biktima sa loob ng bahay nito nang maÂgiÂsing dakong alas-2:30 ng madaling araw nang tumunog ang cellular Lalaki ginising phone. Nang mabasa ang mensahe, nagmamadaling bumangon at lumabas ng bahay si Bautista.
Nang mapagawi sa may Roldan St. sa kanilang lugar, isang lalaki umano ang lumapit at nakipag-usap sa biktima bago pumailanlang ang isang putok ng baril. Mabilis na tumakas ang salarin.
Inaalam naman ng pulisya kung may kinalaman sa iligal na droga na talamak sa naturang lugar ang naganap na krimen.