^

Metro

Lalaki ginising ng text, tinodas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaki  ang nasawi makaraang barilin sa mukha ng isang hindi pa nakikilalang salarin na hinihinalang nagpa­dala ng text message sa biktima, kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Namatay  noon din ang biktimang nakila­lang si Ronidel Bau­tista, 28-anyos, ng B. Ca­se­ñas St., Brgy. Tangos, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, natutulog na ang biktima sa loob ng bahay nito nang ma­gi­sing dakong alas-2:30 ng madaling araw nang tumunog ang cellular Lalaki ginising phone.  Nang mabasa ang mensahe, nagmamadaling bumangon at lumabas ng bahay si Bautista.

Nang mapagawi sa may Roldan St. sa kanilang lugar, isang lalaki umano ang lumapit at nakipag-usap sa biktima bago pumailanlang ang isang putok ng baril.  Mabilis na tumakas ang salarin.

Inaalam naman ng pulisya kung may kinalaman sa iligal na droga na talamak sa naturang lugar ang naganap na krimen.

vuukle comment

BAUTISTA

BRGY

INAALAM

NANG

NAVOTAS CITY

ROLDAN ST.

RONIDEL BAU

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with