MANILA, Philippines - Isang 48-anyos na mister ang pinagbabaril at napatay ng hindi nakikilalang mga suspect habang ang una ay abala sa lamay ng kanyang yumaong ama kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.
Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala mula sa kalibre .9mm ang bikÂtimang si Alfredo Leongson, 48, ng Leongson Extention St., Brgy. San Roque ng naÂsabing lungsod.
Ayon kay SPO1 Noli Dai, ng Navotas City Police, alas-3:30 ng madaÂling- araw habang nakaupo ang biktima sa tabi ng kabaong ng kanyang ama na pinaglaÂlamayan sa isang kapilya sa kanilang lugar nang mula sa bintana ay sumulpot ang suspek at pagbabarilin ito.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek habang naiwan ang duguan at walang buhay na biktima.
Blangko pa ang pulisya sa motibo at kung sino ang may kagagawan sa naturang krimen.