^

Metro

Mister itinumba sa lamay ng ama

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 48-anyos na mister ang pinagbabaril at napatay ng hindi nakikilalang mga suspect habang ang una ay abala sa lamay ng kanyang yumaong ama kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala mula sa kalibre .9mm  ang bik­timang si Alfredo Leongson, 48,  ng Leongson  Extention St., Brgy.  San Roque ng na­sabing lungsod.

Ayon kay SPO1 Noli Dai, ng Navotas City Police, alas-3:30 ng mada­ling- araw habang nakaupo ang biktima sa tabi ng kabaong ng kanyang ama na pinagla­lamayan sa isang kapilya sa kanilang lugar nang mula sa bintana ay sumulpot ang suspek at pagbabarilin ito.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek habang naiwan ang duguan at walang buhay na  biktima.

Blangko pa ang pulisya sa motibo at kung sino ang may kagagawan sa naturang krimen.

 

ALFREDO LEONGSON

AYON

BLANGKO

BRGY

EXTENTION ST.

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

NOLI DAI

SAN ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with