OFW huli sa P10-M liquid cocaine

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P10-milyong halaga ng liquid­ cocaine ang na­samsam sa isang Pinay ga­ling Qatar matapos itong dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, aabot sa dalawang litro ng cocaine na nakasilid sa plastik na botelya ng shampoo ang nakuha sa isang Mary Joy Soriano, 25, tubong-Quirino Province.

Sa unang pagkakataon, nakasabat ng liquid cocaine ang pinagsanib na opera­tiba ng PDEA at Customs na kapag nahanginan ang na­turang likido, agad itong mamumuo at nagi­ging pulbos­.

Posibleng umabot umano sa dalawang kilo ang epektos kapag napro­seso ay aabot sa P10 mil­yon ang halaga sa merkado­.

Nanggaling na rin sa Dubai at iba pang drug hotspots tulad ng Hong Kong, Macau, Thailand at Brazil ang Pinay bago magtungo ng Doha, Qatar.

Isa umanong domestic helper ang Pinay na dumipensang hindi kanya ang bagaheng nakitaan ng droga.

Sinasabing minamanmanan din ng US Drugs Enforcement Agency ang Pinay.

Sasampahan ng kasong smuggling of illegal drugs si Soriano sa DOJ bago ito i-turnover sa PDEA kung saan ito sasampahan ng panibago pang kaso.

Show comments