16 oras na walang tubig sa ilang lugar sa Caloocan at Maynila

MANILA, Philippines - Labing-anim na oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang  mga lugar sa Caloocan at Tondo, Maynila simula bukas, araw ng  Huwebes (Dec.5) mula ala-1:00 ng hapon hanggang sa Biyernes, (Dec.6) alas-5:00 ng umaga.

Ayon kay Maynilad Spokesperson Grace Laxa, sa Caloocan City mawa­walan ng tubig ang:  Brgy. 28, Bangkulasi, San Rafael, Northbay Boulevard North at Northbay Boulevard South.

Habang makakaranas ng low water pressure o mahinang pagdaloy ng tubig sa nabanggit na mga araw ang Brgy. 14, Longos.

Sa Tondo, Maynila, ka­bilang naman sa mawa­walan ng suplay ng tubig ay ang  Brgys. 124-127, Brgy. 129-146 at  Brgy. 177.

Ang pansamantalang water interruption ay bunga ng rehabilitasyon ng Maynilad sa area ng Caloocan upang mas gumanda ang daloy ng tubig sa west zone ng Metro Manila.

Inaabisuhan naman ang mga apektadong kostumer ng Maynilad na mag-ipon na ng tubig o tumawag sa Maynilad hotline 1626 para sa karagdang im­pormasyon.

 

Show comments