Ganda, sigla ng Maynila ibabalik ni Erap

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Mayor  Joseph Estrada na kanyang­ ibabalik ang  kinang at ganda­ ng Maynila sa kanyang pa­mamahala sa tulong na rin ng  kanyang mga opisyal at  kapulisan.

Ayon kay Estrada, nakakalungkot lamang isipin na malaki na ang ipinagbago ng  lungsod kung saan  naging pugad na ito ng iba’t ibang krimen, gayundin ang  pagdami ng  mga walang trabaho.

Sinabi ni Estrada na ka­ilangan ang malawakang  kam­panya para maibangon muli ang Maynila sa pamamagitan ng paglalaan ng   mga trabaho at livelihood projects at walang tigil na pagseserbisyo.

Kailangan din aniyang pa­tuloy ang paglinis sa hanay ng pulisya upang ma­ibalik ang  pagiging Ma­nila’s­­ Finest at maisip  na ang kanilang tungkulin ay protektahan at paglingkuran ang publiko at hindi arestuhin para kotongan.

Paiigtingin  din ang  pag­lilinis ng  mga kanal at pagpapatupad ng flood control systems at solid waste management projects kung saan magkakaroon ng sis­tema sa pangongolekta ng  basura na isa sa mga na­giging dahilan ng  pagbabara ng  mga kanal at estero.

Paliwanag ni Estrada, ito lamang ang  nakikita niyang paraan upang manumbalik ang  tiwala ng mga investor na nais na mamuhunan sa  lungsod.

“Kung walang kaayusan at kapayapaan hindi magkakaroon ng kaunlaran”, ani Estrada.

Show comments