MANILA, Philippines - Nasawi ang isang grade 7 na estudyante habang malubhang nasugatan naman ang tatlo nitong pinsang mga kapwa bata rin makaÂraang masagasaan ng isang rumaragasang “sports utility vehicle (SUV)â€, kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.
Agad na nasawi dahil sa pinsala sa ulo at kataÂwan ang biktimang si Joshua DeÂÂjoseph, 12, ng no. 40 Tandang Manang St., Brgy. PaÂrada, ng naturang lungsodÂ.
Inoobserbahan naman ngayon ng mga manggagamot sa Valenzuela General Hospital ang mga pinsan na sina Ghil Gapaz, 10; John Cedric Agustin, 8; at John Mel Agustin, 10, kapwa residente rin ng nabanggit na lugar.
Nadakip naman ng pulisÂya ang suspect na nakilaÂlang si Tomas Misajon, 63, residente ng Jamica Drive Arborn Town Village, GeÂneral T. De Leon, ng natuÂrang lungsod. Nahaharap ito ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at multiple frustrated homicide.
Sa ulat ng Valenzuela Police, naglalakad ang mga bata sa gilid ng kalsada sa may S. De Guzman St., Brgy. Parada dakong alas-2:30 ng hapon nang biglang araruhin ng rumaragasang Ford Everest SUV (AFA 990) na minamaneho ni Misajon.
Pinakamalubhang pinsala ang natamo ni Joshua nang maipit ito sa pagitan ng sasakyan at ng isang pader. Agad namang sinaklolohan ng mga opisyales ng barangay ang mga biktima at isinugod sa pagamutan.