MANILA, Philippines - Dahil sa ayaw magkaroon ng ‘putok’ sa kili-kili, naÂgawang magnakaw ng mga deodorant ng dalawang binatilyo sa isang convenient store subalit agad ding naaresto sa Caloocan City kamakalawa.
Nakakulong sa Caloocan City Police ang mga suspect na si John Romeo Peralta, 16, ng Milagrosa St., at Rudy Alforte, 18, ng Ipil Alley kapwa taga-Bagong Barrio ng naturang lungsod.
Sa ulat ng Caloocan City Police, alas-3:40 ng hapon, pumasok at nagpanggap na mga customer ang mga suspect sa 7/11 convenience store sa Benin St., ng naÂturang lungsod.
Nakita sa CCTV camera ang ginawang pang-uumit ng mga suspect ng mga body deodorant na agad na pinasita sa naka-duty na guwardya.
Paglabas ay nabawi ang mga inumit bago dinala sa presinto ang mga ito.