Erap itinulad ang sarili kay Bonifacio, ika-150 kaarawan ginunita

MANILA, Philippines - Marami kaming pagkaka­tulad ni  Gat Andres Bonifacio.

Ito naman ang binig­yan-diin ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada kasabay ng paggunita sa ika-150 kaarawan ni Andres Bonifacio kahapon ng  umaga  sa Maynila.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng alkalde na pareho silang tubong-Tondo ni Bonifacio – ang bayani anya’y sa Tutuban habang siya’y sa Manuguit Maternity Hospital.

Naging artista din si Bo­nifacio na lumabas sa sarsuwela bilang Bernardo Carpio na tagapagligtas ng naaapi habang siya naman ay si Asiong Sa­longa na kampeon ng masa.

Pareho rin umano silang  pinatanggal sa puwesto ng nagngangalang Macapagal subalit mapalad lamang siya  dahil nananatiling buhay matapos na ma-convict.

Inihayag din ni Estrada ang pagpasa ng konseho ng resolusyong naglalayong kilalanin ang bayani bilang unang pangulo ng Pilipinas.

Nais din ni Estrada na hilingin ng konseho na aksyu­nan ni Pangulong Noynoy Aquino ang resolusyon.

Show comments