MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ng negosyante na si Manuel Padilla na ipakukulong niya ang mag-inang Arlene at Arnold Padilla na umano’y utak sa pamamaslang kay Yvonne Padilla-Chua noong Disyembre 29, 2010 sa TaÂguig City.
Sa pagdalo nito sa pagÂdinig sa Department of Justice (DOJ), sinabi ni Manuel na bibigyan niya ng hustisya ang pagkamatay ni Chua na kanyang pinsan.
Si Chua ay anak ni Arlene at kapatid ni Arnold. Tiyahin naman ni Manuel si Arlene.
Ayon kay Manuel, naniÂniwala siyang si Arlene umano ang mastermind sa pamamaslang sa sarili nitong anak kung saan kaÂsabwat si Arnold batay na rin sa unang pahayag ng housemaid na si Rhea Coroza Dalde-Obra.
Sinasabing away sa pera ang dahilan matapos umanong pakialaman ni Arlene ang shares of stock sa isang kompanya na nagkaÂkahalaga ng P250 milyon na minana ni Chua sa kanyang amang si Ramon Padilla.
Hindi rin umano maikaÂkaila ni Arlene ang pahayag nito na ‘Hindi naman gaÂnito ang gusto kong mangÂyari!’ sa harap mismo ng mga pulis na nagtungo sa pagsabog.
Matatandaang limang uri ng granada ang ginamit sa pagpapasabog na nakalagay sa isang Louis Vuitton bag bilang regalo umano kay Chua ng kanyang inang si Arlene.
Umalis naman ng bansa ang asawa ni Chua na si Vinzons Chua dahil na rin sa banta sa kanilang buhay.