^

Metro

Mag-ina sa ‘gift-bomb’ ipakukulong ko! – Padilla

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ng negosyante na si Manuel Padilla na ipakukulong niya ang mag-inang Arlene at Arnold Padilla na umano’y utak sa pamamaslang kay Yvonne Padilla-Chua noong Disyembre 29, 2010 sa Ta­guig City.

Sa pagdalo nito sa pag­dinig sa Department of Justice (DOJ), sinabi ni Manuel na bibigyan niya ng hustisya ang  pagkamatay ni Chua na kanyang pinsan.

Si Chua ay anak ni Arlene at kapatid ni Arnold. Tiyahin naman ni Manuel si Arlene.

Ayon kay Manuel, nani­niwala siyang si Arlene umano ang mastermind sa pamamaslang sa sarili nitong anak kung saan ka­sabwat si Arnold batay na rin sa unang pahayag ng housemaid na si Rhea Coroza Dalde-Obra.

Sinasabing away sa pera ang dahilan matapos umanong pakialaman ni Arlene ang shares of stock sa isang kompanya na nagka­kahalaga ng  P250 milyon na minana ni Chua sa kanyang amang si Ramon Padilla.

Hindi rin umano maika­kaila ni Arlene ang pahayag nito na ‘Hindi naman ga­nito ang gusto kong mang­yari!’ sa harap mismo ng mga pulis na nagtungo sa pagsabog.

Matatandaang limang  uri ng  granada ang ginamit sa pagpapasabog na nakalagay sa isang  Louis Vuitton bag bilang regalo umano kay Chua ng kanyang inang si Arlene.

Umalis naman ng bansa ang asawa ni Chua na si Vinzons Chua dahil na rin sa banta sa kanilang  buhay.

ARLENE

ARNOLD PADILLA

CHUA

DEPARTMENT OF JUSTICE

LOUIS VUITTON

MANUEL

MANUEL PADILLA

RAMON PADILLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with