Mister hinostage ang buong pamilya
MANILA, Philippines - Isang mister ang dinakip ng mga tauhan ng Manila Police Station-Police Station 7 matapos na i-hosÂtage ang kanyang misis, kasama ang kanyang ama, paÂmangkin at kapatid kahapon ng umaga sa Tondo.
Agad ding napasuko ni MPD-Station 7 chief, P/Supt. Roderick Mariano si Rizaldy Garay, ng #2631 Severino St. Tondo, Maynila matapos na mapakiusapan.
Isinasailalim naman sa medical examination ang misis nitong si Merlina, amang si Gerry; kapatid na sina Ramil, 30; Raymund GarayÂ, 28; pamangkin na sina Rose Jane Parungao, 2; at Renwin Parungao, 5, pawang naninirahan sa nabanggit na address sa posiblent trauma.
Batay sa imbestigasyon, dakong alas-9:20 ng umaga nang i-hostage ni Rizaldy ang kanyang pamilya sa loob mismo ng kanilang bahay.
Mabilis namang rumesÂponde ang mga tauhan ni Mariano na kinabibilaÂngan nina Chief Insp. William Chig-Ao Sugmayao, SPO3 Ramon Torrefiel, SPO2 Calvin Capuno, PO2 Jonathan Murillo at PO1 Josue Ahuday.
Ayon kay Mariano, nagÂkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang pamilya kung saan masama ang loob ni Rizaldy sa kanyang ama at misis.
Bunsod nito, agad na kumuha ng patalim si RiÂzaldy at hinostage ang kanyang pamilya.
Sinikap naman nina Mariano, Sugmayao, TorreÂfiel, SPO2 Dennis de Jesus, SPO2 Calvin Capuno, Kagawad Ernesto dela Cruz at Bgy. Capt Rudy Cruz ng Bgy. 209 Zone 19 na mapasuko si Rizaldy kung saan nailigtas ang mga biktima at nabawi ang kitchen knife na hawak nito.
Sasampahan pa rin ng kaukulang kaso si Rizaldy sa piskalya.
- Latest