MANILA, Philippines - Pinag-iingat ng pulisya ang publiko sa posibleng pagkalat ng mga pekeng pera lalo na ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan makaraang madakip ng pulisya ang magkapitbahay dahil sa pagbabayad ng huwad na P1,000 bill sa isang bakery sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.
Nakilala ang mga suspek na sina Denmark Jarencio, 25; at John Paul Santos, 20, kapwa ng Tuna St., ng naturang lungsod.
Sa ulat ng Caloocan City Police, alas-4:00 ng maÂdaling-araw, bumili ng tinapay ang mga suspect sa isang bakery sa A. Mabini St., ng lungsod at nagbayad ng buong P1,000.
Napansin ng may-aring si Jimmy Huerta na peke ang pera na naging dahilan upang magpatawag ito ng mga pulis at nang respondehan ay dinakip ang mga suspek bago dinala sa presinto. Sinampahan ng kasong illegal possession/used of counterfeit money ang naturang mga suspect.