^

Metro

Onsehan sa droga: 1 patay, 1 sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang hinihinalang tulak ng iligal na droga habang sugatan naman ang isa pa makaraang magsaksakan at magbarilan dahil sa hinalang onsehan, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Nakilala lamang ang nasawi sa alyas “Chow” na nagtamo ng tama ng bala sa katawan habang ino­obserbahan naman sa Florencio Bernabe Hospital dahil sa tama ng saksak ang 35-anyos na si Jeremias Villamayor, ng Balagtas St., Brgy. Don Galo, ng naturang lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakatayo sa paanan ng footbridge sa Dr. A. Santos Avenue sa Brgy. La Huerta si Villamayor dakong alas-8 ng gabi at hinihintay ang isang alyas Teng na magbebenta sa kanya ng shabu nang sumulpot mula sa kanyang likuran si Chow.  Dito patraydor na pinagsasaksak ni Chow si Villamayor.

Tiyempo namang dumating sa lugar si Teng at isa pang lalaking nakilala sa alyas Alvin at pinaputukan nang mala­pitan ang nasawing si Chow saka mabilis na nagsitakas sa lugar.

Inaalam naman ngayon ng Parañaque City Police kung ang bilanggong si Dioscoro Jao na lumaya noong Nob­yembre 19 mula sa Parañaque City jail matapos maharap sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga at ang nasawing si alyas Chow ay iisang tao.

BALAGTAS ST.

BRGY

CITY POLICE

DIOSCORO JAO

DON GALO

DR. A

FLORENCIO BERNABE HOSPITAL

JEREMIAS VILLAMAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with