MANILA, Philippines - Dalawang pampasaherong bus na pag-aari ng isang kompanya ang magkasunod na hinoldap ng apat na armadong kalalaÂkihan sa kahabaan ng EDSA, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Sa ulat ng Quezon City Police District Station 10, alas-10:25 Lunes ng gabi nang holdapin ng apat na armadong lalaki ang Malanday Metrolink bus na minamaneho ng isang Sansyunan Soriano, 42, sa kahabaan ng Edsa malapit sa Scout Borromeo, Brgy. South Triangle at nilimas ang mga mahahalagang gamit at pera ng may 13 pasahero nito.
Sinasabing nagkunwaÂring pasahero ang apat na suspect at pagsapit sa nasabing lugar ay nagdeklara ng holdap gamit ang patalim at baril.
Matapos makuha ang kanilang pakay ay mabilis na nagsipagbabaan ang mga suspek at nagsitakas.
Makalipas ang alas-2 ng madaling-araw, isa pang bus na Malanday Metrolink ang hinoldap ng apat na armadong kalalakihan sa may kahabaan din ng Edsa, partikular sa panulukan ng Congressional Avenue, Brgy. Magsaysay.
Ayon sa Police Station 2, sumakay ang mga suspect sa kahabaan ng North Avenue at nagkunwaring pasahero, pero pagsapit sa naturang lugar ay saka nagdeklara ng holdap.
Kasunod nito, sinimulang limasin ng mga suspect ang mahahalagang gamit ng anim na pasahero, bago tuluyang bumaba pagsapit sa Oliveros Drive sa nasabing lungsod.
Sabi pa ng pulisya, magkatuwang nang iniimbestigahan ng dalawang istasyon ng pulisya ang nasabing insidente, upang malaman kung iisang grupo ang nangholdap sa naÂturang mga bus.