MANILA, Philippines - Nasa malubhang kalagayan ang isang 41-anyos na miyembro ng Southern Police District matapos barilin ng kanyang kapitbahay habang nakikipagkuwentuhan, sa Parola Compound, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Inoobserbahan sa InÂtensive Care Unit (ICU) ng Mary Johnston Hospital, ang biktimang si PO2 Rory Jay FerÂnandez, nakatalaga sa Makati Police District at residente ng Gate 2 Parola Compound, Tondo.
Isang alyas Roland ang inginungusong resÂponsable sa pamamaril, na agad tumakas nang makitang duguan ang biktima.
Sa ulat ni SPO1 Gabriel Torres, ng Manila Police District-Moriones Police Station 2, dakong alas-6:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa Gate 4 ng Parola Compound habang nakikipagkuwentuhan umano ang biktima sa ilan pang kapitbahay nang biglang lumutang ang suspect at mabilis na pinagbabaril ang biktima.
Isa sa motibong tiniÂtingnan ay ang daÂting alitan ng suspect at biktima at ang madalas umanong pagpapaputok ng biktima ng baril kung nalalasing.