^

Metro

Mga hukay sa Maynila sanhi ng trapik

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang mga nakatiwang-wang umano na hukay ng Department of Public Works and Highways ( DPWH) ang  sinisisi ng mga commuters kung kaya’t nagkakabuhul-buhol ang daloy ng trapiko sa ilang lugar sa lungsod ng Maynila.

Ayon  sa commuter na si Josper Dantes, estud­yante,  mula Tomas Mapua hang­gang sa Sta. Cruz, ay inaabot  siya ng  halos dalawang oras dahil sa iisang  linya lamang ang  maaaring daanan ng mga private at public vehicles­.

Aniya, sinakop ng mga hukay ang kalsada na lubhang nagpapasikip ng daloy ng mga sasakyan.

Aniya, bagama’t sapat ang mga traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau sa pamamahala ni  Carter Don Logica, mas makatutulong kung  agad na kukumpunihin ang mga hukay lalo pat dagsa ang  tao ngayong Pasko.

Gayundin ang  hinaing ng  ni  Paul Lope na dumaraan sa Blumentritt St. sa tapat ng  Chinese General Hospital. Aniya, sobra ang  sikip ng  daloy ng sasakyan lalo na kung  rush hour. Hindi na gumagalaw ang sasakyan lalo na kung umuulan dahil sa malaki ang  sakop ng  mga hukay.

 

ANIYA

BLUMENTRITT ST.

CARTER DON LOGICA

CHINESE GENERAL HOSPITAL

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

JOSPER DANTES

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with