MANILA, Philippines - Utas ang isang baÂrangay volunteer makaraang pasukin ito sa loob ng barangay outpost ng dalawang lalaki na may takip ng face towel ang mukha at pagbabarilin sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling araw.
Si Agapito Aloro, 48, ay iniwan na lamang walang buhay sa loob ng isang outpost ng mga salarin matapos ang pamamaril ganap na ala -1 ng madaling-araw.
Ayon kay R.R. Pittong, dalawang armadong lalaki ang tumira sa biktima, pero hindi matukoy ng testigo ang pagkakakilanlan dahil pawang mga nakatakip ng face towel ang mga mukha ng mga ito.
Naganap ng insiÂdente sa kusina sa loob ng Barangay Police Safety Officer (BPSO) outpost na matatagpuan sa may St. Anthony St., Brgy. Holy Spirit.
Sabi ng testigong si Terry Magno, barangay tanod, habang nagsusulat siya sa dispatch book ng kanilang barangay ay nakarinig siya ng mga putok ng baril sa labas ng kanilang outpost.
Diumano, nang tignan ni Magno ang pinagmulan ng putok, isa sa mga suspek ang kanyang nasalubong sabay wika sa kanya ng “ wag kang gagalaw, babarilin kita.â€
Matapos ito, agad na sumibat ang suspek, habang si Magno ay agad na dumiretso sa kusina kung saan niya nadatnan ang duguan at walang buhay na katawan ng biktima.
Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng kalibre 9mm at isang tingga nito, at apat pang basyo ng nasabing kalibre. Blangko pa ang puÂlisya sa motibo sa isinagawang pamamaril sa biktima.