Mag-live-in arestado sa pagmamaltrato

MANILA, Philippines - Kapwa dinakip ang mag-live-in partner matapos nilang maltratuhin ang isang dalagita sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong slight physical injury in relation to child abuse si Citadel Alceso, 38,  ng Yanga St.,  Brgy. Maysilo ng naturang  lungsod habang nadagdagan ng  acts of lasciviousness ang isinampang kaso laban kay Ruben Paule, 44,  ng na­sabing lugar.

Sa pahayag ng biktima na itinago sa pangalang Anna, 14, alas-11:30 kama­kalawa ng umaga, binatukan siya ni Paule at kinagabihan naman ay kinompronta  siya ni Alceso dahil naghihinala na may relasyon sila ni Paule.

Sinampal  ni Alceso ang dalagita na naging dahilan upang umalis ang biktima bago nagsumbong sa mga barangay tanod at ipadakip ang mga suspek.

Sa presinto nalaman na minolestiya ni Paule ang dalagita noong Nobyembre 5, 2013 alas-8:00 ng umaga­ na naging dahilan upang ma­dagdagan ang kaso nito.

Show comments