MANILA, Philippines - Isang lalaki ang patay, makaraang mabundol ng rumaragasang kotse habang ang una ay tumatawid sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay PO3 Perlito Datu ng Quezon City Police Traffic Sector 3, nakilala ang nasawi na si Antonio Calip, 42, ng C.P. Garcia St.,Brgy. Kruz na Ligas, ng nasabing lungsod.
Arestado naman ang driver ng kotse na si Richard Valentin, 20, nakatira sa No.183-9th St., Caloocan City.
Sabi ni Datu, si Valentin ay hindi nadakip dahil sa pagkakabangga kay Calip, kung hindi dahil nakabangga pa siya ng isang taksi habang tinatakasan ang krimen sa huli, at siyang nagreklamo laban sa kanya.
Sa imbestigasyon ni Datu, nangyari ang insiÂdente sa may kahabaan ng C.P. Garcia St. Barangay Kruz na Ligas, ganap na ala 1 ng madaling-araw.
Diumano naglalakad sa naturang lugar ang biktimang si Calip nang banggain siya ng minamanehong Honda Civic (POJ-301) ng suspect.
Dahil sa sama ng pagkakabangga, ay tumilapon ang biktima ang suspek.
Subalit, sa pagkakabangga ay natanggal ang bumper at plaka ng kotse ni Valentin, hanggang sa hindi kalayuan ay bumangga pa ito sa isang airport taxi na Innova (TTY-716) na minamaneho ni Valentino Reyes, na naging dahilan para mahinto ang una at ireklamo ng huli sa pulisya.
Sa himpilan ng pulisya, nadiskubre ni Datu na ang suspect din ang salarin sa pagkaka-hit and run kay Calip matapos na makitang walang bumper plaka ng kotse nito. Samantala, ayon sa PS3 nagkasundo na umano ang magkabilang panig para sa amicable settlement.